#FinishedContract
Ang bilis ng araw, parang kalian lang nung nag post ako tungkol sap ag aabroad ko, ngayon Finished contract nako. Oo tama ang nabasa nyo finished contract na nga ako at nag pasya nakong bumalik sa pinas sa maraming dahilan. Hindi pa naman tapos ang project pwedi pa akong mag extend kung gugustohin ko lang, pero gusto ko subukan ang iba pang mga bagay, gusto ko umpisahan ang pagiging isang businessman. Ang plano kop ag uwi ko ay nais kong palaguin ang naumpisahan kong CHB Manufacturing, nag umpisa na pero maliit palang. Bago pa man tayo mapalayo sa usapan balik tayo sa pag uwi ko. 2 years o 24 months o 711 days ang nilagi ko sa abroad sa bansang Kuwait. Mahabang panahon na sakin pero walang binatbat yan sa tagal sap ag aabroad ng mga nakasama ko. Ibat ibang bagay ang mga na experience ko dito sa abroad mga halimbawa ay (1) mas lalo akong nagging mature pag dating sa lahat ng mga bagay sa trabaho, sa pakikisama sa ibang tao, at sa buhay. (2) mas lalong lumwak ang kaalaman ko sa akin...