#FinishedContract

Ang bilis ng araw, parang kalian lang nung nag post ako tungkol sap ag aabroad ko, ngayon Finished contract nako. Oo tama ang nabasa nyo finished contract na nga ako at nag pasya nakong bumalik sa pinas sa maraming dahilan. Hindi pa naman tapos ang project pwedi pa akong mag extend kung gugustohin ko lang, pero gusto ko subukan ang iba pang mga bagay, gusto ko umpisahan ang pagiging isang businessman. Ang plano kop ag uwi ko ay nais kong palaguin ang naumpisahan kong CHB Manufacturing, nag umpisa na pero maliit palang. Bago pa man tayo mapalayo sa usapan balik tayo sa pag uwi ko.
2 years o 24 months o 711 days ang nilagi ko sa abroad sa bansang Kuwait. Mahabang panahon na sakin pero walang binatbat yan sa tagal sap ag aabroad ng mga nakasama ko. Ibat ibang bagay ang mga na experience ko dito sa abroad mga halimbawa ay (1) mas lalo akong nagging mature pag dating sa lahat ng mga bagay sa trabaho, sa pakikisama sa ibang tao, at sa buhay. (2) mas lalong lumwak ang kaalaman ko sa aking career kaya mas sasabi ko na mas kaya ko na  mas marami nakong nalalaman sa paper works at mag trabaho gamit ang computer na napaka importante sa na sa panahong nato(3) nadagdagan ang mga kakilala ko at mga kaibigan at nadagdagan din ang network ko when it comes to my career (4) Mas ok nakong humandle ng problems sa work at mas alam ko na rin e solve ang mga ito kumpara date (5) Mas lumakas ang loob ko sa buhay (6) Syempre mas nakakaipon dito sa abroad kesa sa pinas at marami pang iba.
Hindi lang puro positive ang mga nangyare although mas marami ang positive pero may roon din mga negative heto ang mga halimbawa (1) knowing that nasa abroad ka ang buhay naming ay pruo trabaho, papasojk ng maaga, uuwe, kakain, matutulog at papasok na ulit at paulit ulit. (2) You often feel lonliness (3) Kanya kanyang buhay dito, swerte kana kapag nakakita ka ng isang tunay/totoong kaibigan. Ayaw ko ng e eleaborate pa yung iba pang mga negative na bagay total kakalimutan ko na rin ang mga yun at hindi na importante saakin ang mga yun ang mga positibong bagay nalang ang mga dadalhin ko.
Napaka ikli ng buhay para lamang ituon ang mas maraming oras mo sa pag tatarabaho, yan ang naiisip ko kaya nag pasya nakong mag for good, although Malaki ang sahod but as per my experience, money alone will not really make you happy. Marami pa akong gustong gawin sa buhay ko na di ko magawa dahil kailangan mag trabaho gusto kong mag travel Makita ang ibang sulok ng mundo, gusto kong umakyat ng bundok, gusto kong lumangoy sa malinis na dagat, gusto kong kumain ng masasarap na pagkain ng ibat ibang lugar, gusto kong Makita pa ang ibang sulok ng buhay at hindi lamang puro trabaho na nararanasan ko mula ng akoy gumraduate. Isang bagay ang naiisip ko para magawa ko ang mga ito kailangan ko ng time freedom at the same time kumikita ako at ang solusyon na nakikita ko ay ang pag tatayo ng sariling business na kahit maliit lamang at kayang suportahan ang isang kumportableng pamumuhay. Malaking tulong ang tatay at kuya ko sa binabalak ko dahil simalt sapul palang yun na ang trabaho nila kaya alam na alam nila ang pasikut sikut neto sa tagal nila sa tranahong ito at wala masyadong naipon sa paraang ito palang siguro sila makakabawi kaya malaking ang chance naming dito. At syempre sa tulong ni lord walang mangayayare kung wala sya sa tabi naming gumagabay. Utang ko lahat sa knya kung ano angmga nakakamit at na aachieve ko sa buhay ko.
Sept. 28, 2016 nung ma interview at ma hire ako. 1st week of February 2017 nung ma release ang visa ko. March 04, 2017 yung departure date ko, March 05 ako nakarating ng Kuwait, March 2018 ako bumalik ng pinas para mag bakasyon, Dec. 01, 2018 ako nag submit ng repatriation ko, Dec. 19, 2018 pinirmahan ni boss, Dec. 20, 2018 ako pumirma ng exit sa HR March 05, 2018, 2 years nako dito at March 08, 2019 balak kong umuwi ng pinas, kung yung ang schedule na ilalagay nila sa ticket ko March 09, 2019 nasa pinas na ulit ako sabado. Plano nilang ibigay ticket ko Febrruary 2019 at yung settlement ko 1st week of march 2019 sana maging ok lahat.
Bago ako nag pasya mag exit inassess ko muna yung sarili ko ng maayos at sa araw araw na iniisip gusto jko na tlaga makabalik kaya yun final na desisyun ko uuwi na nga ako.
Isang magandang experience din ang pag aabroad masaya ako proud na maging isang OFW naranasan ko ang buhay ng maraming OFW sa atin at sa ngayong natapos ko ang kontrata ko masasabi ko isa na tlaga ako ganap at certified Overseas Filipino workers.


Comments

Popular posts from this blog

KUWAIT JOURNEY

BUHAY OFW -- Young OFW in Kuwait

FIRST ONE YEAR IN KUWAIT