FIRST ONE YEAR IN KUWAIT

"We don't Grow when things are easy, we grow when we face challenges"


Isang taon na pala ang lumipas, Oh' kay bilis nga naman ng panahon parang kailan lang. Sinabi ko noon hindi hindi ako mag aabroad. Pero pagkapasa ng Board exam, sa 2yrs kong pag tatrabaho sa pinas nakita ko kung gano kahirap kumita at mag ipon kung sa pinas ka nag tatrabaho. Maganda na nga ang trabaho ko at single pa wala pang sariling pamilya pero wala parin nangyayare papaano pa kaya kapag nagkapamilya na. Maliit na income pero malaking ang mga expenses. Kaya nagkukulang parati. Kaya nong dumating ang opportunity na makaalis ako dinako nag dalwang isip pa.


Sabi nila mahirap daw. Pero ika nga nila "No pain No gain". Oo mahirap nga, tama sila pero ganun namn talaga sabi nga nila "Nothing's worth comes easy" Kailangan talaga pag pagurin at pag hirapan ang isang mataas na pangarap. 


Pag dating ko sa bansang kuwait, di tulad ng aking inaasahan, parang naging madali alng bakit? Dahil siguro inexpect kona at tinanggap kona. Mas papadali ang isang bagay kapag tinanggap mona ito. at dahil din siguro sa mga na experience ko sa pag tatrabaho sa Maynila. Ang alam ng mga tao ang ganda ng buhay ko sa maynila dahil sa mga pinopost kong mga photos sa fb. hindi lang nila alam kung gaano kahirap ang buhay sa Maynila lalo na sa isang nag uumpisa palamang na tulad ko, at isang tulad ko ring propesyonal na nag uumpisa pa lang din ang makakintindi saakin. Kahit mahirap at kahit parang walang nagyayari tinutuloy ko parin ang buhay sa Maynila, by faith narin siguro. Proud parin naman sa mga ganung experiences. pinatatag ako ng mga pagsubok at dahil nalampasan ko lahat ng iyon, mas kaya ko dito sa abroad. Wala akong gaanong takot at pangamba, dahil narin siguro nasanay nako sa Maynila, tuloy naiisip ko na. pinahirapan talaga ako ni lord para dito, para mas kayanin ko ang mga susunod pang ibibigay nyang blessing, para mahandle ko ng maayos ang mas malaking bagay. Training ba, sa madalign salita.


Ang dami dami ko ng namimis sa Pinas. Namis kona yung mga tao dun, syempre yung pamilya lalu na yung mga bata, namis kona rin mga kaibigan, barkada at kaklase, namis kona yung bahay namin, yung mga lugar sa pinas, namis kona rin yung maynila kung saan ako nasanay sa trabaho, namis kona yung rin yung Tagay na may kasamang masayang kwentuhan yung nag papaunwind pag stress na sa trabaho at namis kona rin yun tumambay lang, hindi yung puro trabaho ang iniisip, yung simpleng buhay lang. Pero ang pinaka namimis ko talaga ang pagkain sa pinas, ang pagkain kasabay ang mga pamilya.


Pero frankly speaking, kahit ganito pa man mas pipiliin ko parin mag trabaho "muna" dito sa abroad pansamantala. Dahil mas nakaktulong sa pamilya financially, nabibili ko ang mga gusto kong mga gamit, mas nakakaipon ako rito para sa future ko at lalo pa akong mas natututo hindi lang sa trabaho kundi pati sa buhay, because working abroad teaches you to be more independent.


Napaka bless ko at binigyan ako ng break ni lord. Kahit batang bata pa ako at kaunti palang ang experiences ko sa aking propesyon inalow na nya ko makalabas ng bansa. Lahat yata ng pinag pray ko at hiniling ko bago ako umali ay ibinigay nya sakin. Una, ang maayos na makarating dito, maayos, malinis at komportableng accomodation, maayos na trabaho mga kaibigan at mababait na mga boss. (Free accomodation na fully airconditioned, libreng water bill, electric bill at ineternet bill, transportation back and fort sa office is also free, libring food breakfast, lunch dinner, luto na agad, kakain ka nalang, pag dating mo galing trabaho luto na, libring laba. Iwan mo alng sa laundry room pag dating mo malinis na nakatupi na, libring wifi at cable tv sa room, libre cellphone naka plan sa internet, call and text company na rin ang nag babayad. Libreng recreation, gym, table tennis, billards etc. libreng gupit at marami pang iba. Halos lahat provide na ng company wala kang gagawin kundi mag trabaho lang.


Isa sa mga magandang bagay na makukuha ko rito ay ang pag kakaroon ng magandang career background. Kung e gu-google ang Hyundai Engineering and Construction ay isa sa pinaka malaking contractor sa buong mundo. Top leading construction company. At ang project ay isa sa pinakamalaking oil refinary sa buong kuwait. Kaya ito ay isang malaking break para saakin.


Isa pang maganda rito ay nagkakaroon ako ng chance na makipag halubilo sa ibat ibang mga nationality/mga tao sa ibat ibang bansa. Mga Arabong local, mga Koreano, Prances, Indiano, Eqyptian, Bangladesh, mga taga Puerto rico, mga Indonesian at Malaysian, mga Thai, mga taga Ireland at syempre mga Pilipinong galing sa ibat ibang lugar sa pilipinas. (Mga Bisaya, ilocano, batangenio, tagalog, Bicolano, mayroon din mga tulad kong kapampangan at marami pang iba.
Sa pakikihalubilo sa ibat ibang mga taong ito, nag kakaroon ako ng pag kakataon na makilala ang kanilang kultura, natututo ako ng kaunti sa kanilang mga lenguahe, nag kakaroon ako ng kaalamn sa knilang mga pamumuhay, mas lalong nahuhubog ang aking Social interaction skills, at mas lalo akong nagiging matured sa trabaho at lalo na sa buhay dahil mas lalong lumawak ang aking pananaw sa buhay. Pero higit sa lahat ang pinaka mahalaga para saakin sa lahat ng aking nabangit ay ang pagkakataong mag karoon ng mga bagong kaibigan galing sa ibat ibang dako ng mundo. Isang araw kapagka nag karoon ng pag kakataon makapunta ako sa knilang mga bansa pwedi ko silang kontakin.


Isang dahilan an rin na masasabi kaya mas napadali ang buhay ko rito dahil sa dami ng mga pilipino maging staff man o trabahador, pag sila lang ang kasama ko dtio parang wala man ako sa iabgn bansa. Pag day off at pumapasyal ako sa ibat ibang lugar dito ang dami dami ring mga pilipinong makikita, Mga katulad kong OFW na nag tatrabaho sa ibat ibang kumpanya.
kaya habang wala pa akong ipon sa pag papatayo sa pangarap kong negosyo. dito na siguro muna ako at pag naisip ko ng bumalik sa pinas, mas maayos na ang lahat. Mas matured nako sa trabaho at sa buhay. Kaya kahit anong hirap at homesick titiisin ko muna. Pansamantala lang naman ito. Hinding hindi ako matatakot dahil malakas ang kakampi ko sa bawat pagsubok. Si Lord.





Dear readers,


Thanks for reading my Blog. "May all our dreams and aspiration will come true"


-Jerome


Comments

Popular posts from this blog

KUWAIT JOURNEY

BUHAY OFW -- Young OFW in Kuwait